Friday, August 24, 2012

I want to write something Palanca-worthy

In my last post, I mentioned my philosophy exam. As of this moment, I am still recovering from the mindfuckedness of the whole ordeal. Btw, I'm taking my philo classes in Filipino and not in English (for various irrelevant reasons). Personally, it's always a challenge to express myself in my national language. I'm not proud of this weakness but, I am trying.

Anyway, please pat my back for reaching the 6pm deadline for my take-home exam! YAY! And then, if you have time, read through my feeble attempts at Tagalog prose. Try not to cringe too much, okay? :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Basahin ang "Di Mo Masilip ang Langit" ni Benjamin P. Pascual. Masasabi bang tunay na alyenado ang tagapagsalaysay (narrator) ng akdang ito?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Before I forget, it helps to know a thing or two about Karl Marx and his work on Estranged Labor to completely appreciate my efforts here.;))



Para sa iba, ang umaga ay kanta ng ibon at halik ng ina, mainit na kanin at komportableng usapan, o gaya ng cartoons, sumasayaw habang nakangiti na araw. Para naman sa akin, ang bawat umaga ay karera, isang laro ng habulan sa relo. Kabisadong ritwal ng pagkakalat sa kwarto na sinusundan ng buong pusong pagtakbo papunta sa klase ang depinisyon ng tanghali ko. Habang nanghihingalo ako, nadadaanan ko sina Ate at Kuya Guard dala ang kanilang mga bati, ang mga kapwa estudyante na abalang-abala na rin sa pagmamadali, ang mga guro na iniiwasan ang pinagdaraanan ng mga naleleyt, at ang mga ibang tao na pumapasok sa Ateneo para magtrabaho.

Minsan, tuwing sinisuwerte ako sa oras, inaabangan ko ang palabas na ito. Tinititigan ko ng maigi ang mga nakakasalubong ko at napapaisip ako. Paano kaya nagsimula ang kanilang araw? May hinahabol din ba silang oras? Hinalikan ba nila ang kanilang mga anak bago pumasok ang mga iyon sa klase? Kinasusuklaman ba nila kami dahil maaaring hindi makakapasok si Totoy o si Nene sa unibersidad na pinagsisikapan nilang pagandahin? Sa mga pagmumuning ito, nababalikan ko ang maikling salaysay na pinamagatang “Di Mo Masilip Ang Langit”.

Ang tagapagsalaysay ay isa ring trabahador. Ayon sa kanyang kwento, bahagi siya sa pagtayo ng isang ospital bilang kantero o tagahalo ng semento. Sa simula, ipinagmalaki niya ang gusaling iyon. Hindi niya inaakalang magdadala ito ng pighati sa simpleng pamumuhay nila ng waswas niyang si Luding. Pero ang trahedyang sasapitin niya ay resulta na lamang ng mas malalang suliranin. Bahagi lang ito ng kalupitan ng buhay na alyenado.

Mula pa lamang sa pagtanggap niya ng trabaho sa konstruksyon, sumailalim na siya sa proseso ng alyenasyon. Ilang buwan na naghirap siya para makakuha ng minimum na sahod. Sakto lang daw iyon para sa araw-araw na gastusin. Kaya iyon, nagsakripisyo ang mag-asawa ng maraming gabi, natutulog nang hiwalay sa isa’t isa para lamang mabuhay sa halagang disiotso.  At nang mabuo na ang ospital at napuno na ito ng mga nars, doctor, at pasyente, ipinagmalaki ito ng tagapagsalaysay. Sabi niya hindi iyon matatapos kung walang tagapaghalo ng semento.

Ngunit, ang pagtingin niya sa ospital bilang isang obra maestra ay pagkakamali niya. Nabulag siya ng kanyang pagyabang. Sa katotohanan, lalo siyang naging mahirap dahil sa kanyang paghirap. Iba ang may-ari ng gusali. Hindi iyon sa kanya at hindi magiging kanya dahil lamang siya ang naghalo ng semento. Dinagdagan niya lamang ng ospital ang mundo ng mga bagay na hindi niya maaabot.

Maya-maya sa kanyang salaysay, malalaman natin na nabuntis ang kanyang asawa. At dahil nga sa kanyang pagmamataas, kinumbinsi niya si Luding na doon na sa pri ward ng ospital na pinag-uusapan siya magpapanganak. Kaya nang dumating na ang tamang panahon, sumubok kumuha ng taxi nang mag-isa si Luding. Hindi iyon madali para sa buntis na babae. Nang hindi na niya makayang lakarin pa palabas ng subdibisyon, naghingi siya ng tulong sa kapitbahay nila. Nakiusap siya at isinakay siya ni Mr.Cajucom sa kanyang berdeng Mustang hanggang sa ospital. Sa wakas, nakaginhawa na siya nang nakarating siya nang ligtas doon pero hindi niya inaakala na sisimula pa lang ang kanyang problema.

Sa ospital, ipinakilala niya ang kanyang sarili at sinabi niya na sa pri ward siya magtutuloy. Iyon ang panahon na ilalantad ng realidad ang kanilang alyenasyon sa kapwa tao niya. Noong inakala ng mga nars na siya si Mrs.Cajucom, lahat sila handang sagutin ang kanyang pangangailangan. Kilala ba ng mga taong iyon nang personal si Mr.Cajucom? Hindi natin alam. Ang malinaw lang sa atin ay nakasakay sila sa isang pribadong kotse na simbolo ng kayamanan. Kung iisipin, bagay lamang iyon na ginawa ng tao pero nakakagawa ito ng isang milyonaryo sa taong sakay nito. At iyon nga ang naranasan sa mga iilang sandaling iyon ni Luding. Kaya sa pag-alis ng sasakyan, dinala nito ang kabit niyang gayuma. Para siyang si Cinderella nang sumapit ang alas dose ng gabi, isang simpleng babae sa baba ng hirerkiya ng lipunan. Sinundan iyon ng pagkabigo niya nang nagsialisan ang mga nars hangga’t isa na lamang ang matira. Sa huli, pinaupo na lang siya sa lobi at pinahintay dahil puno na raw ang pri ward.

Alam ng lahat na hindi maghihintay ang sanggol sa loob ng tiyan ng ina kung oras na ng pagpapanganak sa kanya. Malamang, alam din iyon ng nars. Pero sumunod pa rin sa kanya si Luding. Hindi siya si Mrs.Cajucom na may sapat na kakayahan para umangal. Pareho naman silang babae na may boses. Ang kanyang anak ay pareho ring magsisimula sa mundo gaya ng mga ibang nanay sa mga pribadong silid. Ngunit, hinayaan niya lang dahil matagal na nilang isinuko ng tagapagsalaysay ang kanilang sarili sa mga may-ari ng ospital.

Kaya, naghintay siya. Naghintay siya at hindi na binalikan. Sa huli, hindi na niya kinaya at doon na lamang siya nanganak at nahulugan. Semento ang una at huling bumati kay Elizabeth. Semento na hinalo ng kanyang mismong ama ang tumigil sa kakasimulang buhay ni Joycelyn. Semento na bahagi ng obra maestra ng tagapagsalaysay ang nagwasak ng ulo at ng kinabukasan ni Rhoda. At ang masaklap pa, hindi titigil sa buhay ng anak niya ang kanyang babayaran sa gusali na kanyang binuhay.

Malaking ironya ang buhay ng kanterong ito. Sinuko niya hindi lang ang oras at pawis niya sa ospital na iyon, kundi ang kanilang mga buhay bilang pamilya. Pati sa pagsubok niyang sunugin iyon, humigpit lang ang mga kadena na nakatali sa kanyang kaluluwa. Mahabang kabayaran ang kanilang haharapin sa kinabukasan. Bawat umaga, habang ang mga estudyante ay nagsisitakbuhan papunta sa klase, siya ay uupo sa kulungan, isang alipin ng paggawa na hindi na aabutin ng sinag ng araw, at magtataka na lang kung umaga na nga ba talaga.

(END)

No comments:

Post a Comment